Breaking News

Share this information:

Sinabi ni Department of Health (DOH) Usec Maria Rosario Vergeire na hindi “epicenter” ng pandemya ang Davao City sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ang pahayag ni Vergeire ay kasunod ng katanungan kung maituturing ba na ang Davao City bilang bagong epicenter ng pandemya sa bansa.

Ayon sa kanya, ang epicenter na may kaugnayan sa mga epidemya ay binibigyang kahulugan ng ilan upang ituring ang isang lugar bilang source ng impeksyon.

“It is also meant to connote the area as a hotspot for infection,” pahayag ni Vergeire.

“We discourage the use of the term ‘epicenter’ in describing the rise of cases in an area,” giit pa ng opisyal. 

Ayon pa kay Vergeire, ang mga lugar na ito ay hindi pinagmulan ng SARS-CoV-2 virus na siyang ugat upang magkaroon ng COVID-19 disease.

Bukod dito, ang paggamit aniya ng terminong “epicenter” ay nakaka-detract o nakakapanghina sa iba pang nakapalibot na lugar na maaaring pantay o mas apektado ng mga kaso ng COVID-19.

“Considering this, no, Davao City is not an epicenter. We continue to closely monitor the situation in Davao City due to increasing cases,” ani Vergeire. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: