Breaking News

Share this information:

INAASAHANG makukumpleto na ngayong linggong ito ang Manila COVID-19 field hospital sa Burnham Green, Rizal Park, sa lungsod ng Maynila.

Ito ang binanggit ni Cesar Chavez. Chief of Staff ni Manila Mayor Francisco Domagoso, na nagsabing kung walang magiging aberya ay posibleng matapos na sa Biyernes ang nasabing pasilidad,

Ang naturang field hospital na binubuo ng mga container van ay inaasahang magagamit para sa mga pasyenteng may “mild hanggang moderate” na kaso ng COVID-19 sa sandaling ito ay operational na.

Ang pagtatayo ng field hospital ay ginawa upang makatulong na maibsan ang dami ng mga pasyente na may COVID sa mga ospital sa Maynila at matutukan naman ang mga pasyenteng “severe o critical”  na mga kaso ng COVID-19.

Gayundin para ang hospital capacity ay mabawasan upang maiwasan ang mga insidenteng namamatay sa triage, sa tent o parking space ang pasyente.

Para mapangalagaan ang mga pasyente, magdedeploy sa naturang field hospital ng mga health care workers.

Aabot sa P154 million ang pondong inilaan para sa field hospital na ito, at batay sa naunang pahayag ng lungsod ng Maynila ay libre ang serbisyo dito.

Nauna nang sinabi ni Mayor Domagoso na target na matapos sa loob ng dalawang buwan ang field hospital na may lawak na 2.6 hectares.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: