Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang dalawang lalaki na tirador umano ng mga cable wire sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong theft ang naarestong mga suspek na kinilalang sina Jayson Morales, 23 anyos, ng Guyabano Road, Brgy. Potrero, at Romy Diaz, 19 anyos, ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Sa report nina PSSgt Mardelio Osting at PSSgt. Jose Romeo Germinal II kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang putulin ng mga suspek ang cable wires ng Globe Telecom Inc. sa GIC Compound sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Potrero gamit ang steel saw.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek gamit ang isang pedicab subalit napansin sila ni Jacky Battung, 40 anyos, security guard (bantay kable) ng Globe Telecom Inc. na agad humingi ng tulong sa kanyang kasamang security guard na si Rocky Florencio, 31 anyos.

Sinita nila ang mga ito hanggang sa dumating ang rumespondeng mga tanod ng Barangay Potrero na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at narekober sa kanila ang pinutol na dalawang Globe Telecom Cable Copper wire na aabot sa P42,703 ang halaga, ginamit na steel saw at pedicab sa kanilang pagtakas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: