Breaking News

Share this information:

HIHIMAS ng malamig na rehas ng kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa madaling araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28 anyos, Michaell Alene Sy, 29 anyos, at April Jay Praxides, 25 anyos.

Sa report ni SDEU investigator PCpl. Pamela Joy Catalla kay City Police Chief P/Col. Ramchrisen Haveria Jr., dakong alas-3:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo ng buy-bust operation sa Kabatuhan St., Brgy. Mapulang Lupa..

Nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng isang pulis na nagpanggap na buyer ng P5,500 halaga ng droga at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 13 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P88,400, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 10 pirasong P500 boodle money, P1,500 cash, 3 cellphones, pouch, motorsiklo at mga susi.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: