Breaking News

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng baril at hinihinalang shabu sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Jomar Rapiz, 37 anyos, (User/Listed), carpentry/automotive worker, ng 103 Atis Road, Brgy Potrero.

Sa imbestigasyon ni PSSgt Jerry Basungit, nakatanggpap ang Malabon Police Station Intelligence Section (SIS) ng ulat mula sa Action Agent na ang isang alyas Jimboy o Kulit na target ng warrant of arrest para sa kasong murder ay namataan sa area ng Brgy. Potrero.

Kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng SIS sa pangunguna ni PLt. Jospeh Alcazar, kasama ang Sub-Station 1 ng monitoring at surveillance para sa posibleng pagsilbi ng arrest warrant sa Atis Road, Brgy. Potrero na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rapiz dakong ala-1:05 ng hapon.

Nakumpiska sa naarestong suspek ang isang cal. 38 revolver na may anim na bala at limang transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang sa 4.6 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P31,280 ang halaga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 11 (Possession of Dangerous Drugs) of Art. II  RA 9165, at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: