Dalawang takas na mga dayuhan, timbog sa paliparan ng Maynila at Cebu

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Manila at Cebu international airport ang dalawang takas na dayuhan na pinagbawalang pumasok ng bansa dahil sa pagiging “undesirable aliens.”

 Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tangsingco na ang dalawang pasaherong dayuhan  ay nasabat noong Enero 2 at 3 bago pa man makapasok ng bansa sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) at Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang naaresto sa MCIA na si Reiner Reinhold Heber, 63 anyos, isang German national na isang convicted criminal na sinentensiyahan ng siyam na taong pagkakabilanggo.

Si Heber ay agad na pinabalik nang dumating ito sakay ng isang China Airlines flight mula sa Taipei, Taiwan matapos na alertuhin ng mga BI intelligence officers ang mga immigration officer hinggil sa kanyang biyahe.

Hindi rin pinayagang makapasok ng bansa si Chen Qiaolin, 30 anyos, na sakay ng isang Philippine Airlines flight galing Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang pangalan ni Chen ay nasa hit ng Interpol database, dahilan upang pabalikin siya sa Malaysia.

Sa impormasyon mula sa Interpol National Central Bureau (NCB) sa Manila, si Chen ay wanted sa China sa kasong human trafficking.

Maging sa public security bureau ng Feixi country sa Anhui province, China, si Chen ay nasangkot din sa telecommunications fraud at illegal online gambling activities.

 Bukod dito, si Chen ay sangkot din sa pamemeke ng mga travel documents ng mga biktima ng human trafficking na nakapasok sa Malaysia, Cambodia at iba pang bansa.

 “We believe that she might be part of an illegal human trafficking syndicate deploying Chinese workers illegally to other Asian countries,” ayon kay Tansingco.  “Hence her presence in the country poses a threat to Filipinos,” dagdag pa nito. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.