Breaking News

Share this information:

DALAWANG mangingisda ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Aklan habang nagpalutang-lutang habang sakay ng kanilang nasiraang motorbanca sa pagitan ng Sta. Fe, Romblon at Nabas, Aklan.

Sina Vincent Cunihar at Sonny Tayco ay umalis sa  Barangay Colong-Colong, Ibajay, Aklan alas 3 ng madaling araw  noong Lunes  upang mangisda sa baybaying sakop ng  Sibuyan Sea ayon sa PCG.

Habang papauwi kahapon ay nakasalubong naman nila ang malalakiing alon at malakas na hangin dala ng bagyong Lannie na nagresulta rin ng aberya sa makina ng kanilang bangkang pangisda.

Dahil dito, nagpalutang-lutang ang inanod na bangka sa katubigang bahagi sa pagitan ng Sta. Fe, Romblon at Nabas, Aklan.

Sa pamamagitan ng tawag mula sa isang concerned na mangingisda, agad na nakapagdeploy ang PCG Station Aklan ng  Search and Rescue (SAR) team.

Muli namang nagpaalala ang PCG sa mga mangingisda na huwag nang pumalaot kapag masama ang panahon para sa kanila na ring kaligtasan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: