Breaking News

Share this information:

MAGBIBITIW na ngayong linggong ito sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Sec .Mark Villar. 

Ito ang inanunsyo kahapon ng kalihim ngunit hindi naman binanggit ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

This is my last day after 5 years. I have officially filed my resignation effective Wednesday, so I will be stepping down on Wednesday as Secretary,” pahayag ng kalihim.

Sinabi ko na kay Presidente na ito ang pinakamalaking karangalan sa buhay (ko) na maging bahagi ng DPWH,” dagdag pa ni Villar.

Nauna nang inihayag ng PDP-Laban party na tatakbo si Villar sa darating na 2022 elections.

Sa talumpati nito sa kanyang huling flag-raising ceremony bilang kalihim ng DPWH, binigyan ng pagkilala ni Villar ang departamento at ang mga kawani  nito, na sinasabing siya ang “pinaka-masuwerteng tao” na nakikipagtulungan sa kanila matapos na italaga siya sa posisyon noong 2016.

Dagdag nito na sa nagdaang limang taon na pagseserbisyo sa DPWH, pakiramdam niya ay mayaman na mayaman  siya dahil sa lahat ng “friendship” na nagawa niya sa kagawaran.

Kaya mayaman na mayaman na ako dahil sa inyong lahat,” ayon pa sa kalihim.

Hindi naman batid pa kung sino ang papalit sa iiwanang puwesto ng kalihim.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: