Breaking News

Share this information:

DALAWANG lalaki ang sugatan matapos saksakin ng kanilang kainuman sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Parehong ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang braso si Dominador Padaca, 48 anyos, construction worker ng Mallari St., at Saldy Balbaloza, 32 anyos, ng Magsaysay St., kapwa ng Brgy. San Agustin sanhi rin ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya upang maaresto ang suspek na kinilalang si Jomer Banero, 36 anyos, ng PS Lacson St., Brgy. San Agustin.

Sa report nina PMSgt. Julius Mabasa at PSSgt. Ernie Baroy kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9:30 ng gabi, nag-iinuman si Balbaloza at kanyang kaibigan na si Banero sa Mallari Street nang dumating si Padaca at sumali sa inuman.

Makalipas ang ilang sandali, naglabas si Padaca ng kanyang sentimento at mga hinaing kay Banero na naging dahilan upang magalit ang suspek at mauwi ang mga ito sa sagutan.

Kumuha ng butcher knife ang suspek saka sinaksak sa kaliwang braso si Padaca habang tinangka namang umawat ni Balbaloza subalit nahagip din ito ng saksak sa kaliwang bahagi ng katawan.

Matapos ang insidente, dinala ni Banero si Balbaloza sa naturang pagamutan saka iniwanan ng P1,000 bago umalis sa ospital habang isinugod din ng rumespondeng mga barangay tanod si Padaca sa nasabi ring ospital.

Gumawa ng waiver si Balbaloza na hindi na magsasampa ng kaso laban kay Banero habang pinili ni Padaca na magsampa ng reklamo sa suspek sa Brgy. San Agustin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: