Breaking News

Share this information:

SINIMULAN na nitong Lunes, Hunyo 1, 2021 ang pagbabakuna sa unang batch ng mga mamamayan ng Brgy. Panilao sa COVID-19 ResBakuna Center sa Pilar, Bataan. 

Bago sinimulan ang pagbabakuna ay personal na nag-inspeksyon si Pilar Mayor Charlie Pizarro sa Pilar Convention Center sa Brgy. Alauli na pansamantalang itinalaga bilang Pilar Municipal Vaccination Facility.

Maigting naman ang panghihikayat ni Mayor Charlie sa lahat ng mga mamamayan na magpatala at magpabakuna upang sama-sama aniyang labanan at wakasan ang COVID 19 pandemic.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: