Breaking News

Share this information:

TIMBOG ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr., ang naarestong mga suspek na sina Ricardo Carriedo, 45 anyos, ng 292 Canumay West at Eduard Plano, 37 anyos, ng 72 Rubber Master, Lingunan.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Ana Liza Antonio, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy-bust operation sa Rubber Master St., Bukid, Brgy. Lingunan.

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng iligal na droga.

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P102,000 ang halaga, buy-bust money, P460 cash, cellphone at pouch.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: