Breaking News

Share this information:

HIHIMAS ng rehas ng kulungan ang isang 54-anyos na matandang binata matapos gawan ng kalaswaan ang apat na mga menor-de-edad na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon City kamakailan.

Lango pa sa alak si Danilo Garcia, walang trabaho at residente ng 37 Don Basilio Bautista Blvd., Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick Alvarado, hepe ng Malabon Police Sub-Station 7.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagkukuwentuhan ang magkakaibigang dalagita sa Bantayan Street, Brgy Hulong Duhat dakong alas-5 ng hapon nang dumaan si Garcia na nasa impluwensiya ng alak at hinalikan sa pisngi ang 15-anyos at 16-anyos na dalagitang biktima.

Binalingan din ng suspek ang 14-anyos at 15-anyos na kasamahan ng dalawang naunang biktima at hinalikan naman ang mga ito sa labi.

Sa takot ng mga dalagita, nagtatakbo kaagad ang mga ito palayo sa suspek at isinumbong sa kani-kanilang mga magulang ang ginawang kalaswaan sa kanila ng lalaki.

Humingi naman ng tulong kay P/EMSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 7 ang mga magulang ng dalagita na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: