Dalawang Chinese nationals sangkot sa pumalpak na pang-aagaw sa isang Chinese PDL sa Paranáque City

ARESTADO ang dalawang Chinese nationals at apat na Pinoy sa ala-Mafia crime na pag-agaw sa isang Chinese na person deprived of liberty (PDL) matapos tambangan ang sasakyan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, Lunes ng hapon.

Naging eksena sa pelikula ang isinagawa ng apat na Pilipino at dalawang Chinese nationals na tangkang agawin ang Chinese na dumalo sa court hearing kung saan tinambangan ang sasakyan ng BJMP.

Agad nakorner ang mga suspek sa pangunguna ni P/Capt. Dennis B. Velasco ang mga naarestong suspek sina alyas “James”, 28; alyas “Jerome”, 31; alyas “Jerry”, 30, pawang residente ng Calejon Barangay Malinao, Pasig City; at isang alyas “John Paul”, 51, ng Pasay City. 

Ang mga suspek na Chinese ay kinilala sa alyas “Wang”, 25; at alyas “Yang, pawang sakay ng isang Mitsubishi Expander.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang pagkilanlan ng lima pang indibidwal na sakay ng black sedan.

Naging mabilis naman ang responde ng mga otoridad kaya napigilan ang tangkang pag-agaw ng anim na suspek ng alas 12:20 ng hapon mula sa BJMP personnel na umiskort sa PDL na si Hu Yang, habang pabalik sa BJMP facility in Barangay La Huerta, mula sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 235. 

Habang bumabagtas ang BJMP van na may plakang SAB-9058,  sa service road ng Cavitex nang biglang harangin ng sedan at Mitsubishi Xpander na may plakang NKM 2122. 

Agad binaril ng mga suspek ang BJMP van at gumanti ng putok si Jail Officer 1 John Aldrin Manalang, na tumama sa isa sasakyan ng mga suspek.

Sa palitan ng putok, tinamaan sa kanang balikat si JO2  Leif Joseph Talanquines na dinala sa Ospital ng Parañaque.

Sa pagresponde ng mga police patrol officer at SWAT team ng Paranaque Police, agad na isinagawa ang manhunt at hot pursuit operations sa mga sakay ng sedan na tumakas sa direksyon ng Bulungan Market area.

Nawalan ng control at bumangga sa puno sa Wetland Park sa Brgy. San Dionisio, Pque ang Mitsubishi Xpander  kaya’t inabandona ang sasakyan at tumakbo sa mangrove forest.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang .357 Magnum revolver na may 3 bala, isang basyo, isa replica grenade, bulto ng US dollars, bote na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ang mga reklamong Frustrated and Attempted Murder, paglabag sa  Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code, Section 11 ng  RA 9165 (Possession of Dangerous Drugs) na ihahain sa Parañaque Prosecutor’s Office laban sa mga suspek.

“I commend the exemplary swiftness and courage displayed by our SWAT-Parañaque operatives.  Your proactive presence in the streets is crucial which enabled you to respond immediately to the scene, and your competence and quick thinking in complicated situations proved the game-changer in the pursuit operations”, papuri ni National Capital Regiopn Police Office (NCRPO) Chief, P/Brig. General Anthony Aberin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.