Dalawang bugaw arestado, 18 kababaihan nasagip ng NBI sa KTV bar

Share this information:

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng isang KTV Bar at kasamahan nito dahil sa pag-aalok ng babae sa undercover agent para sa sexual services kapalit ng pera.

Ayon sa NBI, kinilala ang may-ari ng Big Night Boss 108 KTV na si Ma. Cristina Tagle y Madrid, at kasamang si Bernadette Pine y Sanchez, alyas Mommy B.

Sila ay naaresto sa loob ng KTV Bar ng NBI-Bulacan District Office (NBI-BULDO) para sa paglabag sa  R.A. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

Kapalit ng sexual services ang halagang P5,000 bawat Isa.

Kasama ng NBI sa entrapment operation ang mga kinatawan ng Provincial Welfare Development Office ng lalawigan ng Bulacan.

Dalawang babae umano ang inialok sa dalawang poseur client na i-table habang dalawang iba pa ang inalok naman ng sexual services kapalit ng “fee.”

Nang magkasundo, dito na ikinasa ang pag-aresto sa mga suspek at sinagip ang 18 kababaihan na biktima ng human trafficking.

Isinalang na sa inquest proceedings sa Provincial Prosecutor’s Office of Bulacan ang mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.