MAHIGIT 300 pamilya ang natulungan sa isinagawang gift giving ng pamunuan ng Manila Police District Forensic Unit (MPDFU).
Kasama ng MPDFU ang Advisory Council ng MPD sa pamumuno nina PLt. Col. Edmar Dela Torre, Chief ng MPDFU, PLt. Gloria Cortes, at Corazon Rodriguez na siyang Chairperson ng Advisory Council sa nasabing aktibidad na ginanap sa MPD Headquarters Linggo ng umaga.
Hindi lamang gift packs ang ipinamahagi kundi pati na rin gamot, vitamins para sa mga bata, groceries at may libreng pa-almusal.
Kabilang din sa natulungan ng aktibidad ang mga photographer ng pambansang parke o Luneta Park.
Bago isagawa ang nasabing gift-giving program ay nagkaroon muna ng isang flushing o paglilinis sa quadrangle ng MPD sa pamumuno naman ni Punong Barangay Manny Nieto ng Brgy 660-A Zone 71, District 5, lungsod ng Maynila, na isa rin sa mga membro ng Advisory Council.
Lubos naman ang pasasalamat ng grupo ng MPDFU Advisory Council kay MPD Director Police Brig. Gen. Andre Dizon sa kanyang suporta sa ginawang gift giving na may temang “Ang Pagtulong sa Kapwa Ay Walang Katumbas Na Halaga.”
Kabilang naman sa mga nagbigay ng suporta at tumulong sa pagbibigay ng mga regalo ay sina Vincent Chan, Andy Co, Eric Hernandez, Alden Aguas, Ashley Palaganas at Jeffrey Cudala bilang representante ni Jenie Cudala at Michael Pangilinan ng Araullo Senior High School Senior. Naging maayos, mapayapa at matiwasay din na naipamahagi ang mga munting regalo para sa mga batang Maynila.