Abandonadong balikbayan boxes sa Bulacan, maidedeliver bago mag-Pasko — BOC

SINABI ng Bureau of Customs (BOC) ngayong Linggo na ang natitirang mahigit-kumulang 2,000 abandonadong balikbayan boxes sa bodega sa Bulacan ay ma-idedeliver na bago ang Pasko.

Sa pahayag ni BOC spokesperson Arnaldo dela Torre Jr. sa isang panayam, magsisimula ang free delivery sa balikbayan boxes sa probinsya sa susunod na linggo.

“‘Yun ang pinipilit at pinagdadasal natin na…mai-deliver ito bago mag-Pasko. Mahigit kumulang na lang naman na mga 2,000 balikbayan boxes na natitira dito sa Balagtas, Bulacan,” sabi ni dela Torre.

Maalala na nagkagulo sa Bulacan warehouse nang sumugod ang ilang mga recipients  dahil sa hindi maayos na direksyon para sa pag-release ng kanilang mahigit pang 4,600 balikbayan boxes na naantala ng ilang buwan.

Ang mga kahon ay galing ng Middle East na sinasabing inabandona ng foreign courier services sa BOC.

Nagpapatuloy naman ayon kay dela Torre ang pagkuha ng mga pakete ng mga recipients sa warehouse.

Kailangan lamang aniya magpakita ng authorization letter, valid ID, at kopya ng sender’s passport ang mga nagnanais na i-claim ng personal ang mga balikbayan boxes.

Inulit din ng opisyal na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers (DMW) para mahabol ang mga consolidators o freight forwarding entities na nag-abandona sa mga balikbayan boxes sa BOC.

Ngayong Monday, bukas, magkakaroon ng pagpupulong uli ang ating legal team para sa pagpa-finalize ng mga dokumento para maasikaso na ang pagsasampa ng kaso,” saad ni dela Torre.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.