Dalawang babae, pinagbabaril sa harap ng eskwelahan

Share this information:

LAGUNA–Hinarang saka pinagbabaril ang sinasakyang van ng dalawang babae kahapon sa harap ng isang eskwelahan sa Biñan City, Laguna.

Kinilala ng hepe ng Biñan City Police Station na  si PLt. Col. Vannie Martinez ang mga biktimang sina Ernee Grace Marie Uberas Cabisag at Honey Lee Ronomeron Algara.

Base sa ulat ng Binan City Police Station, bandang alas 6:40 ng gabi ay binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Biñan National Highway. Nang sumapit ang kanilang sinasakyang van sa Sto. Tomas Elementary School sa Brgy. Sto. Tomas ay  may bigla na lamang  sumulpot sa kanilang harapan na mga di pa nakikilalang lalaki.

 Pinaulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Nissan Navarra na may plate No. NCU 8121.

Matapos ang pamamaril ay  tumakas patungong Carmona, Cavite ang mga kalalakihan.

Agad na dinala sa Carmona Hospital and Medical Center ang mga biktima ngunit idineklarang Dead on Arrival si Cabisag habang nasa mabuting kondisyon naman na si Algara.

Inaalam na ng Biñan CPS ang motibo sa nangyaring krimen.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Gov. Fernando speaks over NFEx issue

Fri Feb 5 , 2021
CITY OF MALOLOS– “Saan man at kailanman, wala sa pagkatao ni Daniel Fernando ang magbebenta ng karapatan ng kaniyang kalalawigan, lalo na ng maliliit at walang tinig sa lipunan.”  This was the statement given by Governor Daniel Fernando during the Joint Forum with selected Legislators and Executives of the Provincial […]

Follow Us

%d bloggers like this: