Mister, nagbaril sa sarili

Share this information:

Patay ang isang 50-anyos na mister matapos umanong magbaril ito sa sarili makaraan ang komprontasyon sa pagitan niya at ng kanyang anak na lalaki sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mitchel Gatica, residente ng No. 17 E Dionisio St. Brgy. Maysilo.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na unang nagkaroon ng komprontasyon ang biktima at kanyang anak na lalaki na si Alkei dakong alas 8:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.

Matapos nito, umalis si Alkei sa kanilang bahay hanggang sa makarinig ng isang putok ng baril ang saksing si Cristina Villafuerte, 50 anyos, pinsan ni Mitchel, mula sa loob ng bahay ng biktima.

Kaagad tiningnan ng saksi ang kanyang pinsan kung saan nakita nito ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima sa loob mismo ng kanyang bahay kaya’t agad ipinaalam sa pulisya ang insidente.

Sinabi sa pulisya ng anak na lalaki at babae ng biktima na nagpakamatay ang kanilang ama habang patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

CIAC official asks cops to be "protectors of the environment"

Mon Mar 1 , 2021
CLARK FREEPORT —An official of the government-run Clark International Airport Corp. (CIAC) urged members of the Philippine National Police—Aviation Security Unit 3 (PNP-AVSEU 3) to protect the environment and promote physical well-being. In a message during the National Women’s Month kickoff at the PNP Polar Base at Clark, Irish Calaguas, […]

Follow Us

%d bloggers like this: