Mga bagong kaso ng COVID, pumalo sa 1,357 ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng karagdagan pang 1,357 na bagong kaso ng COVID-19, dahilan upang umakyat na ang kabuuang bilang sa 504,084.

May total recoveries naman na 466,249 dahil sa nadagdag na 324 na mga bagong gumaling sa sakit.

Muli namang bumawi  sa bilang ng mga pumanaw ngayong araw na nakapagtala ng  69 kumpara sa naitala lamang na dalawang namatay kahapon.

Sa kabuuan nasa 9,978 na ang mga namamatay sa COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon, nasa 27,857 pa ang mga aktibong kaso o  mga nagpapagaling pa sa mga treatment facility.

Nangunguna pa rin ang Davao City sa may mataas na naitalang bilang ng kaso ngayong araw na umabot sa 130.

Sinundan ito ng Rizal na sakop ng CALABARZON na nakapagtala ng 71 kaso, 66 sa Quezon City, 54 sa Pampanga at 52 sa Benguet.

Ayon sa DOH, ang muling pagbaba ng numero ng mga naitalang mga kaso ngayong araw ay dahil  nadagdagan naman ang bilang ng non-operating laboratories  nitong weekened.

Patuloy namang mino-monitor ng DOH  ang sitwasyon ng testing  upang makita ang inaasahan o posibleng  post-holiday surge.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.