Dalawa, patay sa aksidente sa Quezon

Share this information:

DEDBOL ang drayber at pahinante ng isang delivery van nang mawalan ito ng preno at araruhin ang mga sasakyan sa Quezon Avenue sa Tayabas City, Quezon Province, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa pulisya, matapos ang pag-araro sa mga sasakyan ay sumalpok din sa isang bahay ang delivery van.

Nagsimula umano ang pag-araro sa mga sasakyan sa bahagi ng Barangay Lalo hanggang sa umabot ng Barangay Angeles, na nakasasakop sa itinuturing may pinaka-abalang lansangan sa Tayabas City.

Hindi bababa sa sampung indibidwal ang nasugatan din sa insidente na ang iba ay naglalakad lamang at mayroon ding mga naka-motorsiklong nadamay.

Sa CCTV footages mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, makikitang tila lumipad ang mga nasalpok ng delivery van na mabilis ang pagpapatakbo kaya’t hindi na nakaiwas ang mga biktima nito.

Ginagamot na sa Tayabas Community Hospital ang ilang nasugatan habang ang iba naman ay dinala sa Quezon Medical Center sa Lucena City.

Nagpapatuloy na ang pagsisiyasat ng Tayabas City Police sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

General Trias, Cavite chief of police, sibak dahil sa pagkamatay ng curfew violator

Wed Apr 7 , 2021
SINIBAK na sa puwesto ang hepe ng pulisya sa General Trias City sa Cavite kasunod ng pagkamatay ng isang lalaking labis umanong pinarusahan dahil sa paglabag nito sa curfew. Hindi kinagat ng Philippine National Police (PNP) ang pagtanggi ni Police Lieutenant Colonel Marlo Solero na isinalang nila sa physical exercise […]

Follow Us

%d bloggers like this: