“COVID-19 surge sa NCR na naitala mula Marso 31 hanggang Abril 6, 3 % lang” – Octa Research

Share this information:

INI-ULAT ng Octa Research Group na ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala sa National Capital Region (NCR) sa pagitan ng Marso 31 hanggang Abril 6 ay tumaas lamang ng 3 porsiyento.

Sa kanilang latest monitoring report, sinabi ng OCTA na ang Metro Manila ay nakapagtala ng average na 5,146 na bagong COVID-19 cases sa pagitan ng Marso 31 hanggang Abril 6, o may one-week growth rate na 3% lamang.

Mas mababa anila ito sa naunang weekly increase na umabot ng 19% sa pagitan ng Marso 25 hanggang Abril 1.

Samantala, mula naman Marso 31 hanggang Abril 6, ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila ay naitala sa 1.43, na mas mababa mula sa dating 1.53.

Idinagdag pa nito na ang reproduction number, o ang bilang ng mga taong nahahawahan ng isang COVID-19 patient, ay nasa 1.45 sa buong bansa.

Gayunman, sinabi ng OCTA na posibleng ang naturang bilang ay mabago pa, sa sandaling maisumite na ang natitira pang datos ng nakaraang linggo.

“This means that we are not seeing the complete picture with respect to growth rate and trends, and once late data comes in this week. There will be some corrections in the findings,” anang OCTA.

Bukod naman sa mas mababang one-week growth rate sa Metro Manila, iniulat rin ng OCTA Research Group ang negative one-week growth rates sa mga lungsod ng Pasay, Marikina, Makati, Manila, Taguig, Navotas, at Mandaluyong; habang mayroon namang single digit o mas mababang growth rates ang naobserbahan sa mga lungsod ng Parañaque at Las Piñas.

Anang OCTA, ang naturang bilang ay subject pa sa correction factors, habang nakabinbin pa ang late testing reports dahil sa katatapos na Holy Week break.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa, patay sa aksidente sa Quezon

Wed Apr 7 , 2021
DEDBOL ang drayber at pahinante ng isang delivery van nang mawalan ito ng preno at araruhin ang mga sasakyan sa Quezon Avenue sa Tayabas City, Quezon Province, Miyerkules ng umaga. Ayon sa impormasyon mula sa pulisya, matapos ang pag-araro sa mga sasakyan ay sumalpok din sa isang bahay ang delivery […]

Follow Us

%d bloggers like this: