Dalawa pang pulis, patay sa COVID-19; mahigit 18k sa PNP nahawa sa virus

Share this information:

PUMALO na sa kabuuang 18,531 na mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang tinamaan na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na madagdagan ng 125 na mga pinakabagong kaso.

Sa impormasyon mula sa Philippine National Police Health Service Department, sa mahigit 18,000 nagkasakit ng COVID-19 ay nasa 2,276 ang aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling.

Dalawang pulis ang pinakahuling nadagdag sa bilang ng mga namatay sa viral infection na umabot na ngayon sa 51.

Ang isa sa kanila ay isang Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Mountain Province Police Office at nasawi noong Abril 17 habang isang Police Executive Master Sergeant sa Sarangani Police Provincial Police Office ang namatay noong Abril 14.

Umaabot naman sa 16,204 ang mga gumaling na pulis matapos na dumagdag ang 169 pang survivors.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.