P2.8-milyong smuggled na sigarilyo, nasabat ng PCG

Share this information:

Aabot sa P2.8 milyong halaga ng puslit na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Zamboanga Sibugay sa pampang ng Purok Sampaloc, Barangay Magdaup, Ipil, Zamboanga Sibugay Province.

Ayon sa PCG, nakatanggap ng intelligence report ang ahensya na isang jungkong type watercraft na ang lulan ay mga smuggled na sigarilyo ang umalis sa Zamboanga City at patungong Ipil, Zamboanga Sibugay Province.

Agad namang nagsagawa ng maritime patrol sa nasabing baybayin at namataan ang nasabing sasakyang pandagat na sakay ang 80 kahon ng puslit na sigarilyo at naka-daung  sa pampang ng Purok Sampaloc.

Kinumpiska ng PCG ang mga ilegal na produkto  at hinila ang sasakyang pandagat sa Coast Guard Station Zamboanga Sibugay para sa pansamantalang pangangalaga dahil natagpuan din ito na walang Safety, Security, at Environmental Numbering System (SSEN) marking. 

Samantala, itinurn over na rin ang mga nakumpiskang  produkto sa Bureau of Customs (BOC) sa  Port of Zamboanga para sa kaukulang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.