Breaking News

Share this information:

NASABAT ng mga awtoridad ang tinatayang mahigit sa P2.8 milyon halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang drug personalities na naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Emma David, 48 anyos, at Mercy Sedon, 46 anyos.

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., dakong alas-8:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Babanse St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P34,000 halaga ng shabu ang isang undercover na pulis na nagpanggap na buyer ng droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 420 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P2,856,000, buy-bust money na 4 pirasong tunay na P1,000 bills at 30 pirasong P1,000 boodle money at isang cellphone.

Pinuri ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMGen. Vicente Danao Jr. ang mga operatiba ng Navotas City Police dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek.

Hindi matatawaran ang sipag at dedikasyon ng ating mga kapulisan upang masugpo ang talamak na bentahan at paggamit ng ilegal na droga sa Kamaynilaan. Patuloy ang paglulunsad ng mga ganitong klaseng buy-bust para matukoy ang puno’t dulo ng lahat ng mga ilegal na gawain na may kaugnayan sa droga at kriminalidad,” ani Danao.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: