Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang walong kabataan na sangkot sa laganap na riot na viral sa social media matapos maaktuhan ng mga pulis na nagbabatuhan ng bato at molotov bomb sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Malabon acting police chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson, ipinag-utos niya kay Sub-Station 5 commander P/Lt. Zoilo Arquillo at Traffic Management Regional Unit (TMRU) team sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Fatima Escueta na magsagawa ng intensified patrolling sa kahabaan ng Hasa-Hasa Street sa Brgy. Longos kung saan laganap ang riot ng mga kabataan na nangyayari sa madaling araw.

Dakong alas-3 ng madaling araw, habang nagpapatrolya ang mga pulis sa pangunguna ni P/SSgt. Oliver Santiago, kasama ang mga tanod ng Brgy. Longos sa kanto ng Hasa-Hasa at Langary Street, isang riot ang sumiklab sa pagitan ng mga kabataan na kabilang sa magkalaban na gang.

Nagbabatohan ng mga bato at molotov bomb ang grupo ng mga kabataan na naging dahilan upang agad silang inawat ng mga pulis at mga tanod.

Subalit nang mapansin ng mga ito ang mga pulis ay mabilis nagpulasan ang mga ito sa magkakahiwalay na direksyon na naging dahilan upang habulin ang mga ito ng mga awtoridad.

Para hindi maaresto, walo sa mga ito na edad 13 hanggang 17 ang sapilitang pumasok sa bahay ni Wilson John Gilhang, 28 anyos, sa Block 14 Lot 40 Phase 2 Area 3 Brgy. Longos kung saan sila nakorner ng humahabol na mga pulis at tanod.

Ayon kay police investigator  P/SSgt. Jeric Tindugan, nakuha ng mga arresting police officers mula sa mga nadakip na mga kabataan ang isang improvised molotov bomb at patalim.

Ang mga naarestong kabataan naman ay dinala sa Bahay Sandigan na pinangangasiwaan ng City Social Welfare Department.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: