Breaking News

Share this information:

SIYAM na kabataang babae, walo dito pawang mga menor-de-edad, ang nailigtas ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa isang entrapment at rescue operation kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan city.

Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula sa impormasyon na natanggap ni P/Lt. Melito Pabon hinggil sa umano’y laganap na online sexual exploitation ng mga menor-de-edad sa North Caloocan.

Matapos mapatunayan ang ulat, kaagad isinagawa ng pinagsamang mga tauhan ng DSOU, NPD Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa pamumuno ni P/Maj. Vicky Tamayo, Sub-Station 9 commander P/Maj. Harold Melgar, isang team mula sa Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at City Social Welfare and Development ang rescue operation sa Blk 41, Lot 22, Road 14, Congress Village Taas, Brgy. 173.

Nagawang marescue ng team sa pangunguna ni PLt. Pabon ang walong kabataang babae na edad 12 hanggang 17 at isang 18-anyos na dalaga na ginagamit umano sa mga sexual exploitation activities na ginagawa online.

Naaresto din ng mga pulis ang hinihinalang mga bugaw na kinilalang si John Mico Atendido, 21 anyos, at Chris Jayson Magbanua, 18 anyos, kapwa ng Block 25, Lot 5 Package 5, Brgy. 176 Bagong Silang at isang 17-anyos na binatilyo.

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo Jr., ang mga naarestong suspek ay iprinisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9208 as amended by R.A 10364 otherwise known as  Expanded Anti Trafficking of Persons Act of 2012.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: