Dalawa, kalaboso sa P170k na shabu

Hihimas ng rehas ng kulungan ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Jestonie Buracan, 19 anyos, ng Phase 12, Riverside Brgy.188, Tala, at Aldrin Jeff Sanfelipe, 22 anyos, ng Mulawin St. Brgy. Tungko Mangga, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activity ng mga suspek at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma nila na totoo at maaasahan ang ulat.

Agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMaj. Deo Cabildo, kasama ang 6th Maneuver Force Company-Regional Mobile Force Battalion-National Capital Region Police Office (MFC RMFB-NCRPO) sa pangunguna ni PMaj. Vilmer Miralles ng buy-bust operation sa Santa Rita St., Brgy. 188, Tala dakong ala 1:25 ng madaling araw.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang P7,500 marked money mula kay PCpl. Jorlan DS Declaro na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 fake/boodle money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.