Dalawa, arestado sa P176k shabu sa Malabon

Share this information:

Arestado ang dalawang drug suspect matapos makumpiskahan ng pulisya ng halos P0.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City.

Sa ulat, nakatanggap ng maraming reklamo ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) kontra kay alyas “Buging” na kilala umanong pusher/user at responsable sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa Malabon.

Matapos ang isang linggong surveillance operation, isinagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni P/Major Ramon Aquiatan Jr. ang buy-bust operation kontra kay Enrico Del Rosario alyas “Buging”, 41 anyos, sa kanyang bahay sa 17 Sulucan St., Hulong Duhat, Brgy Hulong Duhat, dakong 9 ng gabi.

Kaagad dinamba ng mga operatiba si Del Rosario matapos iabot sa isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money.

Nasamsam naman sa suspek ang nasa 26 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P176,800, P1,000 marked money, cellphone at P1,000 drug money.

Samantala, dakong 9:30 naman ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PLt. Edgardo Magnaye na nagsagawa ng Oplan Galugad sa Del Rosario St., North Merville, Brgy. Dampalit, Malabon City si Anthony Zosimo alyas “Pantot,” 38 anyos, tricycle driver ng 8A C. Perez St, Brgy. Tonsuya matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 free barangays sa Maynila

Tue Feb 2 , 2021
MAS dumami pa ang bilang ng COVID-19 free barangays sa lungsod ng Maynila. Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan pinasalamatan nito ang mga opisyal ng barangay na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa laban kontra COVID-19. Ayon sa alkalde, sa kasalukuyan ay mahigit 200 barangay na […]

Follow Us

%d bloggers like this: