Lalaki, pinagsasaksak, kritikal

Share this information:

Isang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan matapos umano itong kursunadahin at pagsasaksakin ng isang hindi pa nakikilalang grupo ng kalalakihan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang nakilalang si Ronald Saranilla, 43 anyos, ng 16 Adalia St. Brgy. Longos sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ulat ng mga police investigator na sina PSSgt. Ernie Baroy at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Blk 12, Hito St. Brgy. Longos.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa naturang lugar upang makipagkita sa isa niyang kaibigan nang lapitan ito ng isang grupo ng hindi kilalang kalalakihan saka kinompronta bago pinagsasaksak sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi pa matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa naturang pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa, arestado sa P176k shabu sa Malabon

Tue Feb 2 , 2021
Arestado ang dalawang drug suspect matapos makumpiskahan ng pulisya ng halos P0.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City. Sa ulat, nakatanggap ng maraming reklamo ang District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) kontra kay alyas “Buging” na kilala umanong pusher/user at responsable […]

Follow Us

%d bloggers like this: