COVID-19 free barangays sa Maynila

Share this information:

MAS dumami pa ang bilang ng COVID-19 free barangays sa lungsod ng Maynila.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno kung saan pinasalamatan nito ang mga opisyal ng barangay na nakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa laban kontra COVID-19.

Ayon sa alkalde, sa kasalukuyan ay mahigit 200 barangay na sa Maynila ang COVID-19 free.

Napag alaman na noong Nobyembre 2020 ay nasa 73 lamang ang COVID-19 free barangays.

Tiniyak ng alkalde na makakatanggap pa din ng 100,000 cash incentive ang mga barangay na walang virus.

Ang naturang pera ay gagamitin umano ng mga barangay bilang pantustos sa kanilang mga proyekto.

Samantala, pinasalamatan ni Moreno si Bishop Broderick Pabillo sa pagpayag na ipagamit ang isang simbahan bilang vaccination sites.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.