Dalawa, arestado sa P15.7-M halaga ng party drugs

Share this information:

Arestado ang dalawang claimant  ng tatlong pakete na naglalaman  ng kabuuang 9,243 Ecstacy Tablets o “party drugs” na umaabot sa halagang P15,713,100. 

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), kinilala ang mga naaresto na sina Rowena Canapit kasama ang isang  nagngangalang  “Michael De Guzman,” na nagprisinta ng authorization letter mula sa consignee, na nagngangalang  Glory Joy Buzeta, nang i-claim nito ang pakete sa  Quezon City Postal Office. 

“In a controlled delivery operation, Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), and NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Gr (NAIA-IADITG) nabbed claimants of three packages containing a total of 9,243 Ecstacy Tablets commonly referred as “Party Drugs” with street value of Php15,713,100.”

Sa rekord, ang pakete ay ipinadala ng isang “Agner Buzeta” at “Victor Martis” mula  Netherlands at idineklara bilang   “Hand Bag & Shoes,” “Baby Clothes”  at  “Clothes.”

Nadiskubre ang Ecstacy tablets sa x-ray kaya ito ay pisikal na  ineksamin.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa  PDEA para sa tamang koordinasyon at pagsasagawa ng  controlled delivery operation laban sa  consignee at iba pang responsableng indibidwal para sa posibleng pagpapataw ng kaukulang para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may kaugnayan sa  Customs Modernization and Tariff Act. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.