Dagdag ng 656 kaso ng Omicron variant ng COVID-19, natukoy sa bansa ayon sa DOH

MAY karagdagang 656 kaso ng Omicron COVID-19 variant ang natukoy sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Kabilang sa mga variant na natukoy ay 624 na bagong kaso ng BA.5; 13 kaso ng BA.4; isang kaso ng BA.2.12.1 at 18 kaso na itinuring bilang “other sublineages.”

Sa mga bagong kaso ng BA.5, marami ang nakita sa Metro Manila na nasa 134, Cordillera Administrative Region na may 119 at Calabarzon na may 61.

Samantala, iniulat ang BA.4 cases sa Soccsksargen na may 11, at Central Luzon at Central Visayas na kapareho ng kaso.

Ang isang kaso ng BA.2.12.1 na naiulat ay sa Central Luzon, ayon sa DOH. 

Resulta ito ng pinakahuling sequencing run na isinagawa nitong Setyembre 2 ayon pa sa datos ng DOH.

Nakapagtala naman ang Pilipinas ng 19,262 kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo, at 316 naman ang nasawi.

Samantala, ang mga nakaraang “variant of concern” tulad ng Alpha at Delta ay tuluyan nang nawala, at ang Omicron at ang mga sublineage nito ang nangibabaw sa buong 2022.

Ang mga uri ng BA.4 at BA.5 ay partikular na nakatulong sa paghimok ng isang wave ng mga bagong kaso ng sakit sa Europa at Estados Unidos sa mga nakaraang buwan.

Ang lahat ng mga variant ng Omicron ay may posibilidad na magkaroon ng mas banayad na uri ng sakit dahil mas bumababa ang mga ito sa baga at upper nasal passages na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng lagnat, pagkapagod, at pagkawala ng pang-amoy.

Noong nakaraang linggo, nakapagtala ang Pilipinas ng 19,262 karagdagang kaso ng COVID-19.

Mula Agosto 22 hanggang 28, nakapagtala ang bansa ng average na 2,752 na impeksyon araw-araw, na 19 porsiyentong mas mababa kumpara sa nakaraang linggo.

Sa ngayon, mahigit 72.6 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19. Sa tally, halos 18.2 milyon na ang nakatanggap ng kanilang karagdagang bakuna habang 2.3 milyon naman ang nakakuha ng kanilang pangalawang booster shot.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.