‘Crime of Passion’: Selosong sekyu, ‘tiningga’ ang kapwa sekyu

Share this information:

DAHIL sa matinding pagseselos ay pinagbabaril ng isang security guard ang kapwa nito guwardiya sa isang kilalang Supermarket sa Barangay VII-E, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Norley Enriquez na nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital bunsod ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan habang nadakip naman ang suspek na si Rolando Meroso, mga security guard ng mall.

Batay sa imbestigasyon ng San Pablo City police, nangyari ang krimen pasado alas 7 ng gabi nang Huwebes (March 4) nang masulyapan ni Meroso ang kanyang dating asawa na security guard din at ang biktima na nag-uusap sa labas ng mall, na kapwa mga naka duty.

Biglang sumugod umano si Meroso at kinompronta ang dalawa dahil sa hinihinalang may relasyon ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng argumento ay bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ng dalawang beses ang biktima kung saan tumama ang isa sa ulo at isa sa balikat.

Patuloy parin na inoobserbahan sa ospital ang kalagayan ng biktima na nasa alanganing sitwasyon. Nabatid sa report ng pulisya, dati umanong ka live-in partner ng suspek ang babaeng sinasabing naging karelasyon ng biktima.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

P160-M taklobo, nasabat ng PCG sa Palawan

Fri Mar 5 , 2021
TINATAYANG nasa P160-Milyon ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) na mga Giant Clam shells o “Taklobo” sa Barangay VI, Johnson Island, Roxas City, Palawan. Kasama ng PCG ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Philippine Marines-Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas ng isagawa ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: