P160-M taklobo, nasabat ng PCG sa Palawan

Share this information:

TINATAYANG nasa P160-Milyon ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) na mga Giant Clam shells o “Taklobo” sa Barangay VI, Johnson Island, Roxas City, Palawan.

Kasama ng PCG ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Philippine Marines-Marine Battalion Landing Team 3 (MBLT-3), at Bantay Dagat Roxas ng isagawa ang operasyon kung saan nakumpiska ang 324 piraso ng taklobo.

Ayon sa PCG, walang umamin kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito na umano’y isa sa pinakamalaking na harvest na mga taklobo sa Palawan.

Batay sa teyorya, sinasabing ginagamit ang mga nasabat na giant clamp shells bilang dekorasyon, chandelier, ginagawang botones, o dinudurog para gawing gamot.

Ang iligal na pagharvest ng taklobo ayon sa PCG ay ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 10654 o The Philippine Fisheries Code of 1998.

Maari namang pagmultahin ang mga lumabag ng P3 milyon at maparusahan ng pagkabilanggo ng walong taon.

Nabatid na ang taklobo ay hinarvest ng mga anim hanggang isang taon mula  El Nido hanggang baybayin ng  Roxas, Palawan.

Samantala, nadiskubre din ang 124 piraso ng mga puno ng mangrove na iligal na pinutol sa lugar.

Kinumpiska ito ng PCG dahil nilabag ang Presidential Decree No. 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bataan ready for vaccine rollout

Fri Mar 5 , 2021
BATAAN Governor Albert S. Garcia on Thursday announced the readiness of the province for the roll-out of the COVID-19 vaccine as he reported the completion of the cold chain storage facility with the arrival of the bio-medical freezers with complete storage solutions. The freezers can store up to almost 100,000 […]

Follow Us

%d bloggers like this: