Mga tauhan ng QCPD-special unit na nasangkot sa madugong “misencounter”, sumalang sa NBI

Share this information:

HUMARAP na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation(NBI) ang mga tauhan ng Quezon City Police District o QCPD-special operations unit matapos silang mapadalhan ng subpoena kaugnay sa naganap na madugong “misencounter” sa pagitan ng PDEA agents sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Dumiresto sila sa opisina ni NBI-NCR Regional Director Cesar Bacani para sa inaasahang pagtatanong ngayong araw kaugnay pa rin sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) noong February 24.

Bitbit ng mga pulis ang kanilang affidavit hinggil sa naganap na “misencounter” na ikinamatay ng limang anti-drug operatives mula sa magkabilang panig.

Napag-alaman na una nang nagtungo kahapon ang mga pulis sa NBI ngunit hindi nakarating ang kanilang abogado kaya hindi natuloy ang nakatakda sanang pagtatanong sa kanila.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

‘Crime of Passion’: Selosong sekyu, ‘tiningga’ ang kapwa sekyu

Fri Mar 5 , 2021
DAHIL sa matinding pagseselos ay pinagbabaril ng isang security guard ang kapwa nito guwardiya sa isang kilalang Supermarket sa Barangay VII-E, San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Norley Enriquez na nasa kritikal na kondisyon ngayon sa ospital bunsod ng ilang tama ng bala ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: