Breaking News

Share this information:

PORMAL nang inaatasan ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation upang ungkatin ang alegasyon patungkol sa ilegal na pagbebenta ng vaccine o vaccination slots.

Sa ipinalabas na Department Order 120 ni Justice Secretary Menardo Guevarra, binigyan nito ng awtorisasyon ang NBI na magsiyasat at kung may sapat na ebidensya ay magsampa ng kaukulang kaso laban sa matutukoy na indibidwal o grupong nasa likod ng sinasabing COVID-19 vaccine o vaccination slots for sale.

Mayruong sampung araw na ibinigay si Guevarra kay NBI Officer in Charge Eric Distor upang magsumite ng paunang ulat patungkol sa itinatakbo ng imbestigasyon.

Nauna rito ay dumulog sa NBI ang mag-asawang MMDA chairman Benhur Avalos at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos upang maimbestigahan ang bentahan ng vaccine slots.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: