Breaking News

Share this information:

INANUNSYO ng lokal na pamahalaan ng Caloocan na simula ngayong Lunes, magiging karagdagang COVID-19 vaccination site na sa lungsod ang SM Center Sangandaan.

Maaaring magtungo rito para magpabakuna ang mga mamamayan ng mga barangay sa South Caloocan. Sa ngayon ay A1, A2 at A3 pa rin ang priority list groups na kasama na sa mga binabakunahan.

Partikular na gagawing vaccination site ang SM Center Sangandaan Cinemas kung saan pangungunahan ng city health workers ang pagbabakuna.

Tatanggap ito ng 400 slots mula Lunes hanggang Sabado, 8am hanggang 4pm. Paalala sa mga magpapabakuna na may cellphone, kailangan magdownload ng StaySafe App para sa contact tracing ng establisimiyento.

Nagpapasalamat naman si Mayor Oca Malapitan sa pamunuan ng SM Center Sangandaan para sa tulong at suporta nito sa mass vaccination program ng lungsod.

Maraming maraming salamat sa SM Center Sangandaan na hindi nag-atubiling maging kaagapay natin sa programang ito. Salamat sa pagsama sa amin sa layuning mawakasan na ang pandemyang COVID-19,” pahayag ni Mayor Malapitan.

Paalala ng pamahalaang lungsod, kung kabilang na sa priority list groups na binabakunahan, basta nakapag-profiling/registration ay maaari nang magtungo sa vaccination site na malapit sa kanilang lugar. Hindi na kailangan maghintay ng text message para sa appointment.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: