2 obrero patay matapos sagasaan ng SUV sa QC

Share this information:

PATAY ang dalawang construction worker sa ginagawang MRT-7 project habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos araruhin ng isang Sports Utility Vehicle o SUV sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Elmer Palma at Abelardo Dayo, habang nakilala naman ang mga nasugatan na sina Roderick Orbon at Rolly Delan.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng driver ng SUV na si Honaldo Leonedo ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang biglang mawalan umano ng kontrol at tuluyang mahagip ang mga biktima.

Sinabi naman ni Leonedo na galing siya sa isang lamay sa San Jose Del Monte, Bulacan at pauwi na sana sa Marikina ng maganap ang trahedya.

Pero dahil sa puyat, hindi umano niya namalayan na nahagip na niya ang mga biktima. Naka-ditine sa kasalukuyan si Leonedo sa Police Traffic Sector 5 at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide with physical injuries,

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

“COVID-19 surge sa NCR na naitala mula Marso 31 hanggang Abril 6, 3 % lang” – Octa Research

Wed Apr 7 , 2021
INI-ULAT ng Octa Research Group na ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala sa National Capital Region (NCR) sa pagitan ng Marso 31 hanggang Abril 6 ay tumaas lamang ng 3 porsiyento. Sa kanilang latest monitoring report, sinabi ng OCTA na ang Metro Manila ay nakapagtala ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: