3 ospital sa NCR, tinukoy ng DOH sa unang mabibigyan ng COVID-19 vaccine

Share this information:

TATLONG ospital sa National Capital Region (NCR) ang tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa sandaling dumating na ang mga ito sa bansa.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital kabilang ang UP-Philippine General Hospital, Lung center of the Philippines at Dr. Jose Memorial Rodriquez Hospital ang unang mabibigyan ng bakuna.

Nilinaw ng kalihim na uunahin ang buong ospital hindi lamang ang health care worker kundi ang maging ang admin staff.

Nais ng kalihim na ma-preserve ang institutional safety sa halip na indibidwal.

Ayon pa kay Duque kailangan mabigyan ang buong institusyon ng bakuna dahil kung hindi mababakunahan lahat ay hindi makakapagtrabaho ang mga medical workers.

Kaugnay nito, tinitingnan din ng kalihim ang Davao at Cebu City dahil mataas din ang kaso ng sakit roon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Oral arguments sa Anti-terror bill sa Korte-Suprema, dinumog ng kilos-protesta

Tue Feb 2 , 2021
NAPUNO ng demonstrador ang Padre Faura sa Taft Avenue Maynila matapos magsagawa ng kilos protesta ang ilang mga grupo kaugnay sa gagawing oral argument mamayang hapon sa Korte Suprema hinggil sa Anti-Terrorism Law. Dahil sa pagbuhos ng kilos-protesta, nagdulot naman ito ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko kung saan […]

Follow Us

%d bloggers like this: