No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region, nadakip ng NPD

Share this information:

ARESTADO ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang “Oplan Pagtugis” at “Saliksik” ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.

Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 anyos at residente ng Adelpa Street Tanza 1, Navotas City.

Sa report kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ang suspek sa pinalakas na Intelligence Driven ng manhunt Operation ng NPD District Intelligence Division (DID) sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).

Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.

Ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Alex Gonzaga marries non-showbiz fiancé

Sun Jan 17 , 2021
It’s Official: Alex Gonzaga and Mikee Morada are now married! Youtube vlogger and actress Alex Gonzaga officially announced in a vlog today that she is now married to Lipa City councilor Mikee Morada. The couple got married in a simple wedding ceremony last November. Netizens…..we are married — @cathygonzaga on […]

Follow Us

%d bloggers like this: