COVID-19 cases sa Pilipinas, halos 190,000 na

MATAPOS ang labing-isang araw na hindi bumaba ng 3,000 ang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, nakapagtala ngayon ng 2,378 na bagong virus infections ang Department of Health (DOH).

Dahil dito, umaabot na ngayon ang kabuuang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa 189,601.

Pinakamarami pa rin ang naitala sa Metro Manila na may 1,022 bagong virus infections, sumunod ang Cavite na may 132 kaso, Laguna na may 128, Rizal na may 115, at Cebu na may naitalang 96 bagong COVID-19 cases.

Ayon pa sa DOH, ang umaabot na sa 131,367 ang total recoveries o may nadagdag na 16,459 na mga pasyenteng gumaling sa respiratory disease.

Isinasama na sa listahan ng DOH bilang recovery cases ang mga walang naging sintomas matapos ang 14 hanggang 21 araw na isolation o quarantine.

Samantala, nasa 2,998 na ang namatay sa COVID-19 o may nadagdag na 32 bagong mga fatalities kung saan ang 20 ay naitala nuong Agosto, walo nuong Hulyo, tatlo nuong Hunyo at isa nuong Mayo.

Sa kabuuan ay nasa 55,236 ang aktibong kaso ng COVID-19 o ang mga nagpapagamot o sumasailalim sa quarantine.

Nananatili pa rin ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may mataas na bilang ng virus infections at aktibong mga kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.