“MayniLOVE”, inilunsad ni Mayor Isko

Share this information:

KASABAY ng unang araw ng buwan ng Pebrero, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang “MayniLOVE” sa Mehan Garden.

Pinangunahan ito ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang “MayniLOVE” na layong mabigyan ng kahinhawaan ang mga maliliit na negosyo na lubhang naapektuhan dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Inanyayahan naman ng alkalde ang publiko  na bisitahin ang Mehan Garden upang doon na lamang mag-“date”.

Hindi lamang ang magsing-irog ang maaring makabisita sa parke kundi kahgit sinong gustong bumisita rito upang makatulong naman sa mga negosyateng nagatitinda rito  na kumita  kahit papaano.

“Enjoy the atmosphere. Enjoy the season. Enjoy the love. Show love, not hate,” pahayag ni Domagoso.

Pinaalalahanan naman ni Lacuna-Pangan ang publiko na bibisita sa Mehan Garden na sumunod sa ipinapatupad na minimum health protocols kung saan binigyaan diin nito na sa simpleng disiplina ay maipapadama ang pag-ibig at malasakit sa isat-isa.

Napag-alaman naman kay Bureau of Permits Director Levi Facundo, umabot sa 200 indibidwal ang napagkalooban ng trabaho dahil sa MayniLOVE event.

Ang ‘MayniLOVE’ ay bukas sa publiko mula Pebrero 1 hanggang 15, simula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi Lunes hanggang Linggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 cases sa PH, nadagdagan

Tue Feb 2 , 2021
KARAGDAGANG 1,583 pa ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus 2019 (COVID-19) sa bansa ayon sa pinakahuling update ng Department of Health (DOH). Ngayong Pebrero 2, nasa kabuuang 528,853 na ang kaso ng naturang sakit ngunit 30,368 na lamang ang aktibong kaso. Nadagdagan din ng 39 ang mga gumaling sa sakit kaya […]

Follow Us

%d bloggers like this: