COVID-19 cases sa bansa, sumirit na sa 485,797

BREAKING

SUMIRIT na sa 485,797 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong Eneron 9, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa inilabas na case bulletin no.301 ng DOH, nadagdagan pa ng 1,952 bagong mga kaso ng naturang nakamamatay na sakit.

Umabot na rin sa 449,615 ang mga recoveries dahil sa karagdagang 291.

Nasa 34 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kaya umakyat na ang kabuuang bilang sa 9,398.

Nasa 26,784 naman ang aktibong kaso.

Muling nanguna ang Davao City sa mga probinsya at syudad na may mataas na bilang ng kaso na nasa 143.

Mayroon namang 98 sa Quezon City, Rizal, 80; Cavite,77; Bulacan, 74.

Muling nagpaalala ang DOH na panatilihing maging ligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum public health standards.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.