COVID-19 cases sa bansa, nasa 346,536

Share this information:

Umabot na sa 346,536 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 1,910 infection, base yan sa pinakahuling ulat ng ahensya alas-4 ng hapon ng Miyerkules, Oktubre 14, 2020.

Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 564, Region 4A na may 398 at Region 6 na may 128 kaso.

Nakapagtala naman ang DOH ng 579 na bagong gumaling mula sa covid 19.  Dahil dito nasa kabuuang 293,860 na ang mga gumaling.

Nakapagtala rin ang DOH ng 78 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,449 na ang kabuuan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.