COVID-19 admission sa PGH, tumaas; 60 porsiyento ng mga kaso ay bakunado

Share this information:

NAKIKITAAN na ng mabilis na pagtaas ng COVID-19 infection admisssion ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon sa pamunuan ng PGH, 60 porsiyento ng mga admission ng COVID-19 ang nagsasabing sila ay nabakunahan na.

Sinabi ni PGH Spokesman Jonas del Rosario na ang COVID admission sa ospital ay tumaas mula humigit-kumulang  30 noong Pasko at naging 116 confirmed cases nitong Enero 2.

Idinagdag nito na naging mabilis ang pagtaas dahil 10 hanggang 15 pasyente ang naa-admit kada araw.

Mayroon ding 10 bata na na-admit  sa ospital dahil sa COVID-19 kung saan walo rito ay mild with co-morbidities habang dalawa ay moderate to severe.

Nasa 30 porsiyento ng adult COVID-19 cases sa PGH ay severe habang ang iba ay mild to moderate ayon sa tagapagsalita ng PGH.

Sa kasalukuyan, may 10 Omicron variant na sa bansa, tatlo rito ay domestic infections at overseas travelers ang iba pa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.