16 katao, sugatan sa paputok sa Bulacan

Share this information:

KABUUANG 16 katao ang iniulat na nasugatan dahil sa paputok habang walo naman ang arestado sa pagbebenta ng mga ilegal na paputok kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, Disyembre 31.

Ayon kay Col. Manuel Lukban Jr., Bulacan police acting director, pito sa mga fireworks-related injuries ay naitala mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado kinabukasan.

Isa sa mga biktima ay sa lungsod ng Malolos na nakilalang si Lawrence Manabat, 44 anyos, na nagtamo ng sugat sa kaliwang mata habang sinisindihan ang isang fountain pyrotechnic device.

Anim naman ay nasugatan ng “kuwitis”- dalawa sa Meycauayan City na nakilalang sinas Helbert Enosecio, 36 anyos, ng Pili St., Brgy. Lawa at Wilmer Diano, 19 anyos, ng Brgy. Iba.

Dalawa rin ang nasugatan sa bayan ng Pulilan na sina Dan Marlon Quirimit, 30 anyos, at Danilo Quirimit, 55 anyos, na isinugod sa Our Lady of Mercy General Hospital sa Brgy. Longos, Pulilan na nasabugan din ng “kuwitis” habang si Allan Tenorio, 25 anyos, ng Tanawan, at Jerwin Bermudez, 30 anyos, ng Cambaog at kapwa residente ng bayan ng Bustos ay sugatan din sa kuwitis.

Samantala, ayon kay Col. Lukban, siyam katao pa ang sugatan sa paputok base sa tala ng Provincial Health Office ng Bulacan mula sa mga bayan ng San Miguel, Pandi, City of San Jose del Monte, Obando, Norzagaray, Calumpit at Meycauayan City.

Walong katao naman ang inaresto dahil sa pag-iingat ng illegal firecrackers kung saan nakumpiska sa kanila ang malalakas na uri ng paputok gaya ng 10 pakete ng Pla Pla, pitong pakete ng Kabasi, 1,000 piraso ng baby rocket, 1,100 piraso ng cylinder nitrate container, at marked money.

“Aside from the reduction in cases, another good news is that there were no reported cases of firecracker ingestion, stray bullet injuries, and tetanus infections,” wika ni Lukban.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

COVID-19 admission sa PGH, tumaas; 60 porsiyento ng mga kaso ay bakunado

Mon Jan 3 , 2022
NAKIKITAAN na ng mabilis na pagtaas ng COVID-19 infection admisssion ngayon sa Philippine General Hospital (PGH). Ayon sa pamunuan ng PGH, 60 porsiyento ng mga admission ng COVID-19 ang nagsasabing sila ay nabakunahan na. Sinabi ni PGH Spokesman Jonas del Rosario na ang COVID admission sa ospital ay tumaas mula humigit-kumulang  […]
%d bloggers like this: