Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng paggamit ng facemask sa gitna ng COVID-19 pandemic, partikular na ang nauuso ngayong copper mask.
Ayon sa DOH, may ilang uri ng facemask na hindi kasama sa listahan ng Food and Drug Administration (FDA) bilang notified facemasks.
Kabilang umano na wala sa listahan ng FDA ang ilang brand ng copper masks dahil hindi maituturing na medical grade.
“FDA has released advisory 2020-1181 which has the list of FDA notified medical face masks. In the said list, the copper mask is not included which means that they are not medical-grade,” ayon sa DOH.
Gayunman, aminado ang DOH na nakakatulong pa rin ito laban sa pagkalat ng virus bilang “physical barrier” kapag naglabas ng droplets ang mga tao.
“Nevertheless, considering that it is still a face mask, it can still prevent the spread of COVID-19 mainly by acting as a physical barrier for droplets when a person emits droplets,” dagdag nito.
Una nang nagpalabas ng listahan ang FDA na maituturing na notified medical facemasks kabilang ang mga sumusunod:
– Blue Cross Disposable Surgical Mask
– Disposable Face Mask
– Face Mask PM2.5 Disposable Mask
– Indoplas KN95 Face Mask
– Indoplas Face Mask
– KN95 Disposable Face Mask
– McBride Device Name: KN95 Protective Mask
– McBride Face Mask
– Mediclean Device Name: face Mask
– Resprotec Disposable Surgical Mask
– Safeplus Face Mask
– Safeplus Face Mask For Kids
– Safeplus KN95 Protective Mask
– Sure Guard carbon face Mask
– Sure Guard Face Mask
– Sure Guard Device Name: KN95 Protective Mask