Posibleng sa Hong Kong na nakuha ng isang Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) ang bagong variant ng COVID-19.
Ito ang pahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kasunod ng kumpirmasyon na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19 ang 30 anyos na Pinay mula sa Cagayan Valley.
Nabatid na Disyembre 17 nang umalis sa Cagayan Valley ang naturang Pinay, at Disyembre 19 ay sumalang pa ito sa RT-PCR test kung saan nag negatibo pa ito.
Diayembre 22 nang umalis ang Pinay patungo Hong Kong sakay ng Philippine Airlines flight kung saan sumailalim pa siya sa quuarantine hanggang nagpositibo sa COVID-19 nito lamang Enero 2.
“When she left, she tested negative and I think on January 2, 10 days after she arrived in Hong Kong, she tested positive. So that’s 10 days between the time she left and the time she arrived in Hong Kong where she tested positive,” ani Duque.
Patuloy naman ang contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng naturang Pinay.
Naniniwala si Duque na hindi pa nakakapasok ng bansa ang UK variant ng COVID-19.