Anim na drug personality, arestado sa buy-bust

Share this information:

Arestado ang anim na hinihinalang mga drug personality, kabilang ang isang ginang, sa magkasunod na buy-bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Malabon at Quezon kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Jonne Contado, 46 anyos, Agapito Regulacion, 27 anyos, kapwa ng Tondo, Maynila, at Jose Quibuying, 58 anyos ng Brgy. 8, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Kenneth Geronimo, dakong 3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSgt. Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa Avocado St. Brgy. Potrero, Malabon, na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang nasa 8.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P59,160 ang halaga, at P500 buy-bust money.

Inginuso naman ni Contado ang kanyang pinagkukunan ng ilegal na droga kaya’t agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSgt. Rohmel Felices ng follow-up buy-bust operation sa Quirino Highway foot bridge corner Mindanao Ave., Brgy. Talipapa, Quezon city dakong 5 ng umaga.

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba si Jordan Molina alyas “Lay,” 33 anyos, Yolanda Mendoza, 52 anyos, at Ely Fernandez, 27 anyos, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober sa kanila ang nasa 8.8 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P59,840 ang halaga at buy-bust money.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Construction worker na dadalo sa hearing, itinumba ng riding-in-tandem

Sat Feb 13 , 2021
LAGUNA–Tinambangan ng riding in tandem ang isang mag-asawa na dadalo sana sa court hearing sa Barangay Talangka, Sta. Maria, Laguna noong isang linggo. Ang itinumbang biktima  ay nakilalang si Fidel Valentine y Aday, 57 anyos na construction worker, ng Sitio Kamagong, Barangay Cueva, Sta. Maria, Laguna. Sa salaysay ng kanyang […]

Follow Us

%d bloggers like this: