Breaking News

Share this information:

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Commission on Elections (Comelec) sa National Telecommunications Commission (NTC) upang pag-aralan ang posibleng batas laban sa paggamit ng emergency alert system para sa political agenda, ayon kay  Comelec spokesperson James Jimenez 

Sinabi ni Jimenez na nag-iimbestiga na ang NTC at nakikipag-ugnayan ang Comelec para sa anumang update.

Sa tingin natin wala namang nalabag na elections law but definitely, pinag-aaralan natin ang future legislation para ma-prevent ‘yung ganyang pag-aabuso sa emergency alert system,” pahayag pa ni Jimenez sa isang panayam.

Napakabago kasi ng atake na ito, napakabago ng estratehiya na ito, at gusto nating maintindihan ano ba talaga ang legal foundations natin dito…Nakabantay na tayo, so we will be able to move forward much faster ‘pag ginawa nila ulit ‘yan,” dagdag pa ni Jimenez.

Nito lamang Miyerkules nang kumalat ang mensahe sa mga cellphone users sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City at natanggap ang alert matapos na maghain ng kandidatura si dating senador Bongbong Marcos.

Nakasaad sa  “emergency alert” ang : “Buong Buo ang Malasakit sa Bansa. Buong Buhay ang Maialay sa taong bayan. Bagong Bukas na Masagana para sa masa. Babangon Muli ang Pilipinas (V) BBM sa bansa. BBM sa taong bayan, BBM sa Masa… BBM Pilipinas  #BBM2022.”

Agad namang inimbestigahan ng NTC ang insidente kung saan nakipag -ugnayan na rin ito sa mga kumpanya ng telekomunikasyon. 

Hinikayat din nina Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate at chairman Neri Colmenares ang  NTC at  Department of Information and Communications Technology na imbestigahan ito.

Una nang binigyan diin ng Comelec na ang paggamit ng  energency alert system para sa layunin ng  political propaganda purposes ay maaring maituring bilang ill-advised.

“Whether or not criminal liability will attach to those who are behind this move will have to be determined by the appropriate agencies of government,” wika ni Jimenez.

Kinondena naman ng kampo ni Bongbong Marcos ang nasabing emergency alert na ayon sa kanila ay may layon na idiskaril ang kandidatura ng dating senador.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: